Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
[x]

deviantART

 


May isang hari na gustong makahanap ng tunay na karunungan. Nabalitaan niya na may kahon na makakabigay nito sa kanya. Ipinadala niya ang kanyang pinakamatalinong mga iskolar upang hanapin ito.

Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang isang matanda. Itinanong nila kung alam niya kung saan ang kahon ng karunungan. Sinabi ng matanda na kailangan nilang hanapin ang sumusunod sa kabilang bayan: isang bata at isang aso.

Noong sila'y nakarating sa bayan, dumayo sila sa isang paaralan. May isang klase na napakagulo. Pero may nakita silang isang bata na nananatiling tahimik sa kanyang upuan. Pagkatapos ng leksyon, siya ay nakatanggap ng mataas na marka. Agad nilapitan ng mga iskolar ang bata.

Sumunod ay ang aso. Nageensayo ito para sa isang paligsahan. Kahit nahihirapan ito dahil matanda na ito, nakita ng mga iskolar ang determinasyon ng aso. "Siya nga ang ating hinahanap." sabi ng mga iskolar, at idinala ang aso at bata sa bahay ng matanda.

Nagulat na lang sila nang nakita nila na wala na ang matanda. Sa kanyang mesa ay isang kahon. Ang kahon ng karunungan. Ibinalik nila ang aso at bata sa kanilang tahanan at umuwi sa kanilang kaharian.

Tuwang tuwa ang hari nang nakita niya ang kahon. Dali niya itong ibinuksan, pero wala itong laman. Itinanong niya ang mga iskolar tungkol sa kinilang paglalakbay at doon nalaman ng hari na wala sa kahon ang tunay na kurunungan, kundi ang kanilang paglalakbay.
©2007-2009 ~alexandriamesias
:iconalexandriamesias:

Author's Comments

oh yeah. this kicked my ass. I actually did more or less half the story. In filipino.

Comments


love 0 0 joy 0 0 wow 0 0 mad 0 0 sad 0 0 fear 0 0 neutral 0 0
:iconrenka002:
It's awes0me red! U did a great j0b on it! H0pe steph g0t it... ^^

--
I'm soooo sorry if I haven't thanked you for faving/watching/just visiting my gallery. I just want to say I appreciate it!
*renKa002

Join us? ~club-d
:iconalexandriamesias:
Bakit hindi ka nagsasalita ng Filipino? Hindi ka pwede mag Ingles dito! LOL!

--
I want a fucking happy meal!!!

Details

August 3, 2007
1.6 KB

Statistics

2
0
189 (0 today)
1 (0 today)

Site Map